Ang Aking Tungkulin Bilang Kabataan. Ano ang Maipapamalas mo?
Mga Tungkulin Bilang Nagdadalaga o Nagbibinata
Ang bawat tao ay
ipinanganak sa mundo upang gampanan ang kanyang misyon sa buhay. Ang
misyong ito ay makakamit sa pamamagitan ng iba't-ibang tungkulin. Wika
nga ng marami, tayo ay nasa mundo upang gumanap ng ating misyon. Hindi
lamang natin kailangang isagawa o isakatuparan ang mga ito, mahalaga rin
na maglaan ng panahon upang unti-unting tuklasin ang mga ito. Patunay
laman ito na namumuhay tayo sa mundo hinda para sa ating sarili lamang,
kailangan natin gmaglingkod sa ating kapwa. At sa ating
pakikipag-ugnayan sa ating kapwa, mahalaga ang matapat na pagtupad sa
ating mga tungkulin.
Ang mga sumusunod ay ang iba't-ibang tungkulin ng isang nagdadalaga o nagbibinata.
1. Ang Tungkulin sa Sarili.
Ang tungkulin ay laging
dapat nagsisimula sa sarili. mahirap isalin sa ibang tao ang
responsibilidad kung hindi ito nagsimulang ilapat sa sarili. Bilnag
isang tinedyer, may mga bagay na dapat bigyang-pansin upang masabi mong
tunay mong natupad ang iyong tungkulin sa sarili.
1.a Pagharap at wastong pamamahala ng mga pagbababgo sa iyong pagdadalaga o pagbibinata.
Sa yugto ng pagdadalaga o
pagbibinata, nahaharap ang isang tinedyer sa iba't-ibang mga pagbabago.
Sa kabila ng lahat ng ito dapat matutunan na mapanatiling mataas ang
tiwala sa sarili. Gamitin mo itong pagkakataon upang mas mapagyaman ang
iyong sarili. kailngang magsimula ka ng tama. Dito nakasalalay ang
tagumpaysa pagharap sa mga susunod pang yugto ng iyong buhay. ito rin
ang makakatulong upang maging maligaya ka sa iyong pamumuhay.
1.b. Pagpapaunlad ng talento at kakayahan at wastong paggamit ng mga ito.
Isa kang obra ng Diyos.
Biniyayaan ka ng talento at kakayahan na maari mong gamitin at
paunlarin, hindi lamang ikaw kundi maging ang lipunan ang nawalan ng
pagkakataon na makinabang. mawawala amg posibilidad na maibahagi mo ang
kakayahan na maari sanang magkaroon na mahalagang gamit para sa lahat.
makiisa ka sa iyong pamilya at sa paaralan sa pagpapaunlad ng iyong
talento at kakayaghan Isa ito sa mahahalagang bahagi sa pagnuo ng iyong
sarili at sa iyong pag-unawa sa dahilan ng iyong pagkalalang.
(Halimbawa nito ay ang
kuwento ni Jovit Baldovino. Dahil sa paggamit at pagpapaunlad ng kanyang
kakayahan sa pag-awit nakinabang dito ang kanyang sarili, ang kanyang
pamilya, at ang kanyang pamayanan)
1. makabuluhang Paggamit ng mga hilig.
may kasabihan sa Ingles
na "Do what you love and you will love what you do". Ngunit hindi sapat
na ginagawa mo anmg gusto mo, kailangan mong masiguro na ginagawa mo ito
nang makabuluhan..
2. Ang Tungkulin Bilang Anak.
Hindi ka na nga bata.
Paro hindi nangangahulugan ito na maari mo nang ihiwalay ang iyong
sarili sa iyong pamilya. Nananatiling ang iyong pamilya ang may
pinakamalaking impluwensya sa iyong buhay.. Mayrron ka nang sapt na edad
upang makibahagi sa iyong pamilya at sa tahanan. Ang lahat ay
nagsisimula sa maliit. Huwag mong pilitin ang iyong sariling gawin ang
isang bagay na hindi mo pa naman talaga kaya. Hindi mo pa kayang
magtrabaho upang kumita at makatulong sa kanila. mas mahalaga sa kanila
na mag-aral ka upang makatapos. pero makakatulong ka pa rin sa
pamamagitan ng pagiging maingat sa paggastos, pagpapanatiling malinis at
maayos ang iyong sariling silid, makisangkot sa mga usapin sa bahay
upang magkaroon ng kolektibong makabuo ng pagpapasya.
Mahalaga rin na maunawaan
mo ang halaga ng pagbuo ng isang ugnayan sa iyong mga magulang.
Tungkulin mong sila ay mahalin, igalang, at pagkakatiwalaan.
Ito
ay kinuha sa pelikulang John Q. Kuwento ito ng isang amang handang
ibigay ang kanyang puso para sa anak na may malubhang karamdaman at
nangangailangan ng bagong puso para mabuhay. Ang video ay nagpapakita ng
isang amang namamaalam sa anak at nagbibigay ng mga habiling dapat
matutunan hindi lang ng anak niya ngunit maging tayo man. (If you have
time I am highly recommending this film for you to watch.)
3. Ang Tungkulin Bilang Kapatid.
Hindi naman siguro
matatawag na normal ngunit mas malaking bahagdan ng mga kapatid sa
tahanan ay dumarating sa yugto ng madalas na pagtatalo at pag-aaway.
natural lamang na may mabubuong hindi magagandang damdamin sa pagitan
ninyong magkakapatid. Ang kailangan lamang ay huwag itong hayaang
magtagal at maipon hanggang sa lumaki. pagsikapan mong i-enjoy ang
panahon na kasama sila. Ang mabuting pakikitungo sa iyong kapatid ay
makakatulong upang matuto kang makitungo nang maayos sa iyong kapwa.
4. Ang Tungkulin Bilang mag-aaral.
Ikaw ngayon ay nasa high
school na. nasa higit na malaking "mundo". Mas marami kang natutunan sa
mga bagay na iyong ginagawa. Sa bawat gawain na iyong natatapos,
karagadagang karanasan at aral na iyong maiipon. mas nadadagdagan ang
kabuluhan ng iyong buhay.
Ang High school ang
pinakadinamikong yugto sa iyong buhay. Dito masusubok ang iyong mga
kakayahan. Dito nakadapende kung ano ang mararating sa hinaharap.
Tumingin ka sa malayong hinaharap pero gawin mo ang lahat ng iyong
makakaya ngayon. Gamiting bagay ang mga sumusunod.
a. Mag-aral ng mabuti
b. magkaroon ng masidhing pagnanais na matuto
c. Pataasin ang mga marka
d. gamitin ang kakayahan sa komunikasyon nang buong husay
e. Pagyamanin ang kakayahn sa pag-iisip
f. matutong lutasin ang sariling mga suliranin
g. makilahok sa mga gawain sa paaralan
5. Ang Tungkulin sa Aking Pamayanan
Ang isang kasapi ng
pamayanan ay malugod na tumutugon sa kanyang mga tungkulin para sa
kapakanan nito. Bilang nagdadalaga/nagbibinata may tungkulin kang:
a. Pangalagaan ang maayos na pamayanan.
b. makinahagi sa gawain ng Pamayanan
c. magkaroon ng pagkukusang maglingkod
d. maging
mulat sa pangangailangan at suliranin ng ibang tao sa pamayanan upang
maiparating sa mga pinuno ng pamayanan
e. maging tapat sa kinabibilangang pamayanan
f. makibahagi sa mga pagpupulong sa pamayanan kung kinakailangan
g. Sumali sa mga
samahang pangkabataan kung saan ilalaan ang sarili bilang maging
mabuting tagasunod kung hindi man maging pinuno
h. makibahagi sa kampanya upang tulungan ang pamahalaan, paaralan at samahan sa kanilang mga proyekto.
Sa pamamagitan ng
pagtugon sa mga tungkuling ito, mararamdaman mong ikaw ay kabahagi. At
makatutulong ito upang iyong mas mapaangat ang iyong halaga bilang tao.
6. Ang Tungkulin Bilang Mananampalataya.
kasama ba sa pagsasabuhay
ng iyong pananampalataya sa iyong mga gawain sa araw-araw? Ang
panalangin ay paraan ng papuri sa Diyos. Ang panalangin ay papuri,
pasasalamat, at pinakamahalaga ay ang pag-aalay sa Kanya ng lahat ng
ating mga gawain. malalaman mo na ang lahat ng bagay na nasimulan sa
panalangin ay magaganap na puno ng tiwala at kahusayan. ito ay dahil
nasa ilalim ng paggabay ng Diyos ang gawaing inialay sa Kanya.
7. Ang Tungkulin Bilang Konsyumer ng Midya.
Maraming uso at maraming
makabago sa modernong panahon ngayon. Nakokondisyon ang iyong isip na
ang mga ito ay kailangan dahil sa husay ng presentasyon ng midya.
(magandang halimbawa ang video na ito kung paano natin sinusunod ang
dikta ng midya)
Labis ng nakaaalam
(informed) ang mga tinedyer. Mahalagang gamitin ang mapanuring pag-iisip
(critical thinking) sa paggamit ng mga ito. Ang critical thinking ay
nagtuturo sa iyo kung paano mag-isip at hindi kung ano ang iisipin. ito
ay patuloy na proseso na madalas na nagsisimula sa isang tanong. ito ay
kakayahan natin na pag-aralan ang mga bagay at ang kanilang bunga bago
magpasya o pumili. Hindi lahat ng nakikita sa midya ay totoo. Kaya mo
bang gamitin ito nang may pananagutan?
Bilang isang tinedyer
kailangang maging matalino sa pagtanggap ng mga impormasyong dulot ng
media. kinakailangan ng kakayahan upang magsala ng mga impormasyong
tatanggapin at paghihiwalay nito sa mga impormasyong hindi nararapat
tanggapin at tangkilikin.
8. Mga Tungkulin sa kalikasan
malakas na ang panaghoy
ng inang Kalikasan. Ang kailangan natin ay tumugon bago pa maging huli
ang lahat. may magagawa ang bawat isa sa atin. Maari mong gawin ang mga
sumusunod:
a. Mahalagang
ibahagi sa mga kasama sa tahanan ang mga kaalaman na natutunan sa
paaralan. Hikayatin ang bawat kasapi ng pamilya na makibahagi sa
pagtulong para iligtas ang kalikasan sa tuluyan nitong pagkasira.
b. mahalagang
ilapat sa buhay ang anumang natutuhan sa paaralan lalo na sa siyensya.
Mas palawakin pa ang kaalaman ukol sa pagbababgo ng klima (climate
change) sa epekto nito at mga solusyon sa lumalalang suliranin na bunga
nito.
c. Tumulong
upang mabawasan ang polusyon sa hangin, sa lupa, at sa tubig. makibahagi
sa proyekto ng pamayanan o kaya ay bumuo ng samahan ng mga kabataan na
tutulong upang mabawasan ang mga suliranin sa maruming hangin at
paligid.
d. kausapin ang
mga kaibigan upang makiisa sa gawaing pangkalikasan. mas makabubuti kung
sa ganitong paraan uubusin ang panahon kasama ang mga kaibigan.
Makakatulong na ito upang lalong mapatibay ang pagsasamahan, magdudulot
pa ito ng kabutihan para sa kalikasan.
"Walang siniman ang
nabubuhay para sa sarili lamang, Walang namamatay para sa sarili lamang,
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isa. Tayong lahat ay tinipon
ng Diyos na kapiling niya." Mula ito sa isang awit, ipinapaunawa sa atin
ng mga linyang ito ang kahalagahan ng pagtugon sa ating mga tungkulin
bilang mga nilalang.
Ang pagiging mapanagutan
ay nagpapakita ng tunay na pagpapakatao. ito ay dahil likas ito sa tao.
Ang taong tumatalikod dito ay maaaring mahalintulad sa taong naglalakad
ng walang uol. kaya habang maaga simulan mo ang tumugon sa itong mga
pananagutan. lalo na sa pagtugon sa pinakamahalagang tungkulin: ang
pagkamit ng kaganapang pansarili, hanapin ang kabanalan, upang makaalam,
magmahal at maglingkod sa Diyos nang malaya.
Ang hamong ito ay hindi
madali. ngunit dapat kang kumilos upang tugunan ito. mahalagang
tuntungan ito ptungo sa susunod na yugto ng iyong buhay. At sa tagumpay
mo sa mga susunod pang yugto ang pundasyon ng paghubog ng iyong
pagkatao.
Sa hamon na ito sa yugtong ito, TUTUGON KA BA?
GAWAIN:
1. Maglista ng limang (5) magagandang tunguhin, tungkulin at aral na napulot sa modyul o mga video na ibinigay.
2. Isulat ang sagot bilang comment sa post na ito.