Tuesday, 29 September 2015

Ang aking maikling tula ay hango sa modernong panahon halina't inyong busisihin at basahin nang sa gayon kayo'y maliwanagan.............................................



                                             Bunga ng Malikhaing Imahinasyon
                                                              minesheet



Sa mundong puno ng hiwaga
lahat tila'y namamangha
kakaibang kariktan at ganda
nagbibigay aliw sa bawat nilalang


Modernong Teknolohiya bumago sa mundong madilim
lahat ay umangat sa simpleng hangarin
gumaan ang bigat na di kayang dalhin
kaya minsan buhay ng tao tulad ng isang bituing maningning


Naku moderno!
sa mundong makabago
Si Inang Kalikasan ay nagtatampo
sa wari'y nasira ang tunay na mundo


Teknolohiya? Teknolohiya?
anung nangyari letra ko'y kulang
ang akala ko'y paglalahad ko ay tama
yun pala'y taliwas at sablay


Ehem! etong si cellphone hugpong ng katinig at patinig
pinaghiwala'y at tila pinagkaitan
ang tinig ni titik
ay masasalamin ang kulang na pantig


Mundong binago ng makabagong henerasyon
anong pag-asa ang maidudulot nito
nasa kabataang nais pa sanang umahon
tila wala na!wala na!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! 

1 comment:

  1. Ka-inspired ang tulang ginawa mo.Mundo'y pagkaingatan para sa kinabukasan.Sakit.info

    ReplyDelete